Dahil
si Sarah ay buntis na, sila ni Gerard ay ikinasal sa bahay ng magulang ni Sarah
ng isang pastor na protestante. Meron silang tig-tatlong ninong at ninang na
dumalo sa nasabing kasalan.
Pagkatapos
ng kasal, madalas sinasaktan ni Gerard si Sarah lalo na kung lasing kung umuwi
galing sa trabaho. Dahil ang inatupag ay
ang pagbabarkada, hindi nagkaroon ng permanenteng trabaho si Gerard. Tiniis ni Sarah ang ganitong sitwasyon para
sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.
Minsang
umuwing lasing si Gerard, nag-away sila ni Sarah na noon ay buntis sa pangatlo
nilang anak at sinakal ni Gerard ang kanilang pangalawang anak na isang taong
gulang. Habang hawak ang leeg ng bata,
sinabi ni Gerard na pabigat sila na buhay niya.
Hindi
na makatiis si Sarah at gusto na niyang hiwalayan si Gerard.
Tanong:
Kung
magsampa ng kasong annulment of marriage ayon sa Article 36 ng Family Code si
Sarah, makakuha kaya siya ng favorableng desisyon?
Sagot:
Kung
maliban sa salaysay ni Sarah ay matunayan ng hukuman na taglay ni Gerard ang
walang kakayanan na gampanan ang papel bilang asawang lalaki dahil sa isang
depekto sa pagkatao na pinatunayan ng isang psychologist, ang kasalang Sarah at
Gerard ay maaaring mapawalang bisa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento