Nagsampa
ng reklamo si Mikay sa Barangay dahil ayaw bayaran ni Ashi ang kanyang utang sa
halagang P65,000. Nagpadala ng abiso sa
unang paghaharap ang Pangulo ng Lupon kay Ashi ngunit hindi ito sumipot. Nagpadala ulit ng abiso sa pangalawang
paghaharap ngunit hindi pa rin sumipot kahit na personal niyang tinanggap ang
abiso. Kaya nagpadala ng pangatlong abiso ng paghaharap, tulad ng dalawang
naunang abiso, dumating si Mikay sa opisina ng Lupon pero sa pangatlong beses
hindi pa rin sumipot si Ashi.
Dahil
dito, si Mikay ay binigyan ng Pangulo ng Lupon ng Certification to File Action.
Tanong:
Tama ba
ang naging desisyon ng Pangulo ng Lupon?
Sagot:
Hindi. Ayon sa Katarungan Barangay na napapaloob sa
Local Government Code o Republic Act No. 7610, kapag ayaw sumipot ng isang
partido sa reklamo sa Lupon Tagapamayapa sa barangay kahit may tamang abiso,
ang dapat ginagawa ng Pangulo ng Lupon ay magpapatulong sa Municipal Trial
Court na makasuhan ng contempt ang nasabing partido dahil hindi niya sinipot ng
mga pagdinig sa Lupon.
Dahil
hindi pa naghaharap ang nagreklamo at ang nireklamo sa Lupon, hindi pa
masasabing hindi magkasundo ang mga partido.
Kaya hindi pa dapat magbigay ng Certificate to File Action ang Pinuno ng
Lupon.
Gaano katagal ang proseso ng pagsasampa ng kaso ng contempt sa Municipal Trial Court laban sa partido na hindi sumipot sa pagdinig sa Lupon sa kabila ng tatlong tamang abiso, upang ang nagreklamo ay mabigyan ng kaukulang Certificate to File Action?
TumugonBurahinDepende sa action ng korte kung saan humihingi ang Lupon Chairman o Punong Barangay ng tulong para i-cite in contempt ang partidong ayaw sumipot sa pagdinig sa kabila ng tatlong tamang abiso sa kanya.
TumugonBurahinGud day, Kung ang complainant ay hindi din po present sa unang pagdinig, mag-uumpisa po ba sa simula or aabot po ba sa ika-4 na abiso?
TumugonBurahin