Miyerkules, Agosto 8, 2012

Certificate of Authority to Register


Si Ramona ay bumili ng lupa kay Jonas sa halagang P500,000 upang pagtitirikan ng bahay.  Si Ramona ang naglakad sa papeles para ilipat sa kanyang pangalan ang mga dokumento ng lupain.  Nakakuha ng Tax Declaration si Ramona mula sa Provincial Assessor.

Nagtataka si Filipina kung bakit naibenta ang nasabing lupa habang ito ay isinanla sa kanya ni Jonas sa halagang P60,000.  Kaya humingi siya ng kopya ng Deed of Sale mula sa Municipal Assessor at kanyang napag-alaman na hindi pala nagbayad ng kaukulang Capital Gains Tax si Ramona dahil walang Certificate of Authority to Register mula sa Bureau of Internal Revenue.  Ganoong din hindi nakansela ang Titulo ng nasabing lupain mula kay Jason papunta kay Romana dahil hindi rin dumaan sa Register of Deeds ang transaksyon.

Mga Tanong:
(a)      Sino-sino ang mga mananagot sa pagkalipat ng Tax Declaration sa pangalan ni Ramona na hindi dumaan sa BIR at Register of Deeds?

(b)      Ano ang dapat gawin ni Filipina upang mapangalagaan ang kanyang interes sa lupang isinanla sa kanya na lumalabas na ibinenta pagkatapos kay Ramona?

Mga Sagot:
(a)      Kung walang kinalaman ang BIR at SEC sa pagkalipat ng Tax Declaration sa pangalan ni Ramona ang mga taong mananagot ay ang nakinabang sa paglipat ng pangalan na hindi dumaan sa tamang proseso at ang tanggapan ng gobyerno na hindi humingi ng mga kailangan dokumento sa paglilipat sa pangalan sa Tax Declaration.

Kung susundin ang daan matuwid sa paglilipat ng pangalan ng bumili sa Tax Declaration bilang bagong may-ari, hihingin ng Municipal o Provincial Assessor ang Certificate of Authority to Register galing sa Bureau of Internal Revenue. Ito ay patunay na nabayaran ang Capital Gains Tax at Documentary Stamp Tax sa bentahan ng lupa.  Pangalawa, hihingin din ng Municipal or Provincial Assessor ang Certificate of Registration mula sa Register of Deeds. Ito naman ay patunay na ang transaksyon ay dumaan sa Register of Deeds.  Pangatlo, hihingin pa rin ng Municipal o Provincial Assessor ang Tax Clearance Certificate mula sa Municipal Treasurer bilang patunay na bayad hanggang sa kasalukuyan ang Real Property Taxes ang naturang lupain.

(b)      Ang dapat gawin ni Filipina ay magsampa ng kaukulang kaso laban kay Jason sa pagbebenta ng lupang dati ng nakasanla at hilingin sa Register of Deeds na i-annotate sa titulo ang kontrata ng sanla sa pagitan niya at ng dating may-ari.

This article is also published at:
http://www.placesure.com/groups/general-public/forums/topic/certificate-of-authority-to-register/




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento