Lunes, Enero 9, 2012

Surnames


Ang mag-asawang Bernard and Jocelyn ay nagkaroon ng dalawang anak.  Kahit na may malaking pagkakaiba ng ugali, ang mag-asawa ay natira pa rin sa iisang bubong.  Si Bernard ay nagkaroon ng anak na lalaki sa ibang babae at pinangalanang Joshua.  Si Jocelyn naman ay nagkaroon ng anak na babae sa ibang lalaki at pinangalanang Barbara.

Mga tanong:
  1. Kung ang apelyidong dadalhin ni Barbara ay ang apelyido ni Bernard, ano ang dapat gawin ni Bernard upang maprotektahan ang karapatan ng kanilang dalawang anak?
  2. Kung tatahimik lang si Bernard na gagamitin ni Barbara ang kanyang apelyido, ano ang maging resulta?

Mga Sagot:
  1. Kung ang apelyidong dadalhin ni Barbara ay ang apelyido ni Bernard, dapat ilagay sa kanyang birth certificate ang pangalan na kanyang tunay na ama at nararapat din nakasaad sa parehong birth certificate ni Barbara ang pagkikilala nito bilang anak.

Ayon sa batas, ang pagdala ng apelyido ay hindi magbibigay ng karapatan upang magmana tulad ng tunay na anak.

Sa kaso ni Barbara, kahit na dala niya ang apelyido ni Bernard hindi magbibigay karapatan sa kanya para magmana tulad ng dalawang anak ni Bernard at Jocelyn.  Bilang illegitimate child, ang tatanggaping mana ni Barbara ay kalahati lang ng mana ng isa sa mga anak ni Bernard at Jocelyn.

  1. Kung tatahimik lang si Bernard na gamitin ni Barbara ang kanyang apelyido kahit siya ay anak ni Jocelyn sa ibang lalaki, si Barbara ay magmamana tulad ng dalawang anak ni Bernard at Jocelyn.

Ayon sa batas, ang anak na nabuo sa pagitan ng mag-asawa ay ipinapalagay na legitimate.

Sa kaso ni Bernard kung tatahimik lang siya sa pagdala ni Barbara sa kanyang apelyido kahit na alam niyang si Barbara ay hindi niya anak, ang maging resulta ay ipapalagay ng batas na si Barbara ay tunay na anak nila Bernard at Jocelyn at magmamana tulad ng dalawang nilang anak.

Huwebes, Enero 5, 2012

Who gives consent in adoption?


Ang mag-asawang Rex and Lea ay may dalawang anak na may edad 14 at 8.  Habang sila ay kasal, si Rex ay nagkaroon ng anak sa ibang babae at ito ay 10 taong gulang na.

Nang madiskubre ni Lea ang pagkakaroon ng anak ni Rex sa ibang babae, siya ay nagsampa ng kasong paghihiwalay at ito ay inaprobahan ng korte.

Pagkatapos, gustong ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas.

Mga tanong:
  1. Kaninong pahintulot ang kailangan sa pag-ampon ni Rex sa kanyang anak sa labas?
  2. Kung walang hiwalayan, puwede pa rin bang ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas?

Mga sagot:
  1. Ang dalawang anak ni Rex and Lea ang kailangang magbigay ng pahintulot para ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas.
Ayon sa batas, kailangan ang mag-asawa ang mag-ampon.  Pero dahil hiwalay na si Lea kay Rex hindi na kailangan ng pahintulot ng nauna.

  1. Puwede pa rin ampunin ni Rex ang kanyang anak sa labas kahit na hindi sila naghiwalay ng kanyang asawa.
Ayon sa batas, kapag ang aampunin ay anak sa labas ng aampon, hindi kailangang ang mag-asawa ang mag-ampon.  Dahil ang pag-ampon sa anak sa labas ay para ito ay maging legitimate child.

Miyerkules, Enero 4, 2012

paanu po ang tamang process kung may problema sa pangalan????

Sabi ni Hanna Lois Sarmiento Rada-Juico:

yung husband ko po kasi ang ginamit na pangalan ay Jerocel pero nung kumuha po ng NSO para sa passport, Jarosel po ang pangalan.  Ngayon po yun na ang gamit niya pero yung marriage at birth certificate ng mga bata eh Jerocel pa rin po ang nakalagay.  Anu po kaya ang pinakamadaling gawin?

Sagot:
Sa sitwasyong isinaad mo, mas nakakabuting ang baguhin ay ang pangalan ng mister mo sa kanyang birth certificate.  Ayon sa iyo, Jerocel ang kanyang pangalan sa marriage contract ninyo at sa mga birth certificate ng inyong mga anak.

Kung susundin kasi ang kanyang pangalan ayon sa kanyang birth certificate, lahat ng pangalan niya sa marriage contract ninyo at birth certificate ng mga anak ninyo ang babaguhin.

Ayon sa Republic Act 9048, puwede nang i-correct ang pangalang nakalagay sa birth certificate ng Civil Registrar at hindi na kailangan pang dumaan ang pag-correct sa korte.  Pumunta ka na lang sa Civil Registrar kung saan nakaregistro ang mister mo at hilingin sa Civil Registrar ang pag-correct sa pangalan ng mister mo sa kanyang birth certificate.


Double Sale : Who has the better right?


Si Ana ay may-ari ng isang parsela ng lupa ng walang titulo sa Cabanatuan City.  Dahil siya ay nasa labas ng bansa, tinawagan niya ang kanyang kapatid na si Patricia sa pamamagitan ng long distance call para pagsabihang ibenta ang kanyang lupa at pumirma sa kontrata sa bentahan ng lupa para sa kanya.

Dahil dito, ibenenta ni Patricia kay Bobby noong March 31, 2001 at pumirma si Patricia sa kontrata para kay Ana.  Binayaran ni Bobby ang halaga ng lupa.

Hindi alam ni Andres ang naganap na bentahan ng lupa kay Bobby, sinabi ni Andres kay Patricia ang kanyang interes na bilhin ang nasabing lupa pero hinanapan ang huli ng kanyang kapangyarihan kay Ana.  Sinadya ni Patricia na hindi sabihin kay Ana na naibenta ng niya ang lupa kay Bobby bagkus humingi pa ito ng nakasulat na karapatang magbenta.

Ipinadala ni Ana ang kapangyarihang magbenta ng lupa si Patricia sa pamamagitan ng e-mail.  Pagkatapos, ibinenta ang lupa noong May 1, 2001 kay Andres ng buwanang hulog sa loob ng dalawang taon.  Ang unang hulog ay dapat bayaran sa katapusan ng May 2001.

Tanong:
Sino kina Bobby at Andres ang mas may karapatan sa lupa?

Sagot:
Si Andres ang mas may karapatan sa lupa ni Anna.

Ayon sa batas, ang bentahan ng lupa sa pamamagitan ng ahente ay dapat nakasaad sa special power of attorney.  Dapat ding nakasaad sa special power of attorney ang description ng lupa kasama ang boundaries at area nito.  Kung hindi masunod ang panuntunang ito ang kontrata ay unenforceable.

Sa kaso ni Bobby, dahil walang special power of attorney si Patricia mula kay Ana para ibenta ang lupa kahit na maghabla pa si Bobby para ibigay sa kanya ang lupa hindi ito pahihintulutan ng korte dahil ang kanilang kontrata ay unenforceable.

Si Andres ang may karapatan sa lupa dahil noong ibenta ni Patricia sa kanya ang lupa, ang huli ay may hawak na special power of attorney mula kay Ana.  Kapag may special power of attorney ang isang ahente para ring ang principal ang pumasok sa kontrata.

Martes, Enero 3, 2012

Property Relation in Marriage


Sina Gabriel and Beverly ay ikinasal noong July 3, 1989.  Noong March 4, 2001 ang kanilang kasal na hindi nagbunga ay naideklarang walang saysay ayon sa Article 36 ng Family Code.  Noong naideklarang walang saysay ang kasal, ang mag-asawa ay may ari ng mga sumusunod ng pag-aari:
·    
     Isang bahay at lupa nabili ni Beverly noong August 3, 1988, ikatlong bahagi (1/3) na downpayment ay binayaran ni Beverly; ikatlong bahagi (1/3) ay binayaran ni Gabriel noong February 14, 1990 mula sa regalong ibinigay ng kanyang mga magulang para sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo noong April 6, 1989 at ikatlong bahagi (1/3) ay binayaran mula sa ipon ng mag-asawa.
·        Isang apartment na iniregalo kay Beverly ng kanyang tiyo noong June 19, 1987.

Mga tanong:
Sino ang may-ari sa mga bahay at lupa at ang apartment?
Kung sina Gabriel and Beverly ay ikinasal noong July 3, 1987 at ang kanilang kasal ay napawalang saysay noon 2007, sinong may-ari sa bahay at lupa at ang apartment?

Sagot sa Unang Tanong:
Ang bahay at lupa ay kina Gabriel at Beverly pa rin ngunit kung ito ay paghahatian nila dahil sa pagkadeklarang walang saysay ng kanilang kasal, si Gabriel ay magmamay-ari ng ikatlong bahagi (1/3) iyong binayaran niya mula sa regalong ibinigay ng kanyang mga magulang para sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo at ang dalawang ikatlong bahagi (2/3) iyong downpayment ni Beverly at iyong binayaran sa ipon ng mag-asawa ay paghahatian ng mag-asawa.

Ayon sa batas kung nagpakasal ang magsing-irog na walang pinirmahang Pre-Nuptial Agreement sa ilalim ng Family Code, ang kanilang property relations ay absolute community of properties kung saan lahat ng pag-aari nila noong sila ay mga dalaga at binata pa ay maging bahagi ng absolute community of properties na kanilang hahatiin sa dalawa kapag sila ay nagkahiwalay o ang isa ay pumanaw.

Sa kaso nila Gabriel at Beverly, ang downpayment ni Beverly sa bahay at lupa at ang binayaran nila noong sila ay mag-asawa pa ay bahagi ng absolute community of property.  Pero ang ikatlong bahagi na binayaran ni Gabriel mula sa perang iniregalo ng magulang niya sa kanyang pagtatapos sa Kolehiyo ay hindi naging bahagi ng absolute community of property dahil itinadhana ng Family Code na ang mana or regalong tinanggap ng mag-asawa pagkatapos ng kasal ay exclusive property ng tumanggap ng regalo o mana.

Ang apartment ay naging bahagi ng absolute community of property nila Gabriel at Beverly at paghahatian nila dahil sa kanilang hiwalayan.

Sagot sa Pangalawang Tanong:
Ang pagpapakasal ni Gabriel at Beverly noong July 3, 1987 ay hindi sakop ng Family Code at ang umiiral na batas ay ang Civil Code.  Ayon sa Civil Code, kung ang magsing-irog ay nagpakasal na walang pinirmahang Pre-Nuptial Agreement, ang kanilang property relations ay conjugal partnership of gains na kung saan ang mga pagmamay-ari ng magsing-irog sa kanilang mga kayamanan ay hindi magbabago.  Sila pa rin ay may ari nito at ang bunga o kita lamang ang napupunta sa conjugal partnership of gains.  Ang pag-aari ng lalaki bago ikasal ay tinatawag ng capital properties at ang pag-aari ng babae bago ikasal ay tinatawag ng paraphernal properties.

Ang bahay at lupa ay kina Gabriel at Beverly pa rin ngunit kung ito ay paghahatian nila dahil sa pagkadeklara ng kanilang kasal na walang saysay, ang ikatlong bahagi (1/3) na binayaran ni Beverly bago sila ikinasal ay ibabalik sa kanya dahil ito ay kanyang paraphernal property, ang pangalawang ikatlong bahagi (1/3) na binayaran ni Gabriel mula sa regalong tinanggap niya mula sa kanyang mga magulang ay ibabalik din sa kanya dahil ito kanyang capital property at ang pangatlong ikatlong bahagi (1/3) na binayaran mula sa ipon ng mag-asawa ay kanilang paghahatian dahil ito lamang ang maituturing na conjugal partnership property nila.

Ang apartment ay ibabalik kay Beverly dahil ito ay iniregalo sa kanya habang siya ay dalaga pa at ito ay kanyang paraphernal property.

Lunes, Enero 2, 2012

In-Vitro Fertilization


Si August ay nakipagkasundo kay Kikay para magbuntis ang anak nya pamamagitan ng in vitro fertilization.  Ayon sa kasunduan, sagot ni August ang lahat ng gasto na may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak ni Kikay.  Sa araw ng panganganak ni Kikay, bibigyan siya ni August ng dalawang milyong piso at ibibigay naman ni Kikay kay August ang iniluwal niyang sanggol.

Mga tanong:
Puwede bang bawiin ni Kikay ang kanyang anak?
Kung bawiin ni Kikay ang kanyang anak, puwede bang bawiin ni August ang ibinigay niyang dalawang milyong piso?
Sino kay August at Kikay ang may parental authority sa sanggol?
Ang sanggol ay meron bang karapatang suportahan at magmana mula kay August?

Ang pagpapaliwanag:
Ang in-vitro fertilization ay pagbubuntis na walang pagtatalik.  Ang fetus na nabuo sa pamamagitan ng science kung saan ang egg cell ng babae at ang sperm cell ng lalaki ay pagtatagpuin.  Ang magulang ng lalabas na sanggol ay ang lalaking may-ari ng sperm cell at ang babaeng may-ari ng egg cell.

Sagot sa unang tanong:
Puwedeng bawiin ni Kikay ang sanggol na kanyang inilual.  Dahil kay Kikay ang egg cell at siya ang nagdala nito sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam ng buwan, siya ang nanay ng sanggol.  Ang sanggol ay hindi maaaring ihiwalay sa kanyang ina hanggang ito ay magka-edad ng sampung taon gulang kung saan puwede na siyang mamili kung sino sa kanyang mga magulang siya sasama. 

Sagot sa pangalawang tanong:
Ang sanggol ay hindi paninda kaya walang nagbebenta at bumibili.  Si August ang ama ng sanggol dahil sa kanya nanggaling ang sperm cell.  Bilang ama, siya ay may karapatan sa bata kahit wala siyang bayad na ibibigay.  Bilang ama, mayroon din siyang responsibilidad sa ina ng bata sa pagdadala nito ng sanggol sa loob ng siyam na buwan.  Kaya hindi mababawi ni August lahat ng dalawang milyong peso.

Sagot sa pangatlong tanong:
Si August at si Kikay ang may parental authority sa sanggol.  Dahil sa binagbuklod nilang egg cell at sperm cell na naging tao, si August at Kikay ay naging magulang ng sanggol na ito. 

Sagot sa pang-apat ng tanong:
Ang sanggol ay may karapatang suportahan at pamanahan ni August.  Dahil ang sperm cell ay nanggaling kay August, siya ang ama ng sanggol.  Bilang ama ng sanggol, si August ay may tungkulin sa batas para sa suportahan ito at magmana sa mga kayamanang iiwan ni August kung siya ay kukunin na ng lumikha sa kanya.

Linggo, Enero 1, 2012

Room Rent


Si Cara ay pumunta sa Dagupan para mag-aral sa kolehiyo.  Siya ay nag-board sa bahay ni Aling Sally.

Sa pangatlong taon ng kolehiyo ni Cara, hindi siya nakabayad ng kanyang renta dahil hindi nakapagpadala ang kuya niyang seaman sa kadahilanang na-hostage ng mga piratang Somalian.  Ipinadlock ni Aling Sally ang kuwarto ni Cara dahil sa tatlong buwan nitong pagliban sa pagbabayan ng renta.  Nakalahad sa kanilang kontrata na maaring ipadlock ni Aling Sally ang kuwarto ni Cara kapag hindi nakabayad ang huli ng tatlong buwang renta.

Tanong:
Tama ba na ipadlock ni Aling Sally ang kuwartong inuupahan ni Cara?

Sagot:
Mali, hindi dapat ganoon ang ginawa ni Aling Sally.  Ayon sa batas, kahit may kontrata ang nagpaparenta at nagrerenta na maaaring ipadlock ang kuwarto kapag hindi nakapagbayad ng renta, ang kontrata ay walang bisa.  Ang papadlock ng kuwartong paupahan kapag hindi nakabayad ng renta ay paglalagay ng batas sa kamay ng may-ari ng gusali.  Ang tamang proseso ay pagpapadala ng abisong hindi pagbabayad ng renta sa takdang araw, pagpapala ng abiso na pinuputol na ang ugnayang rentahan at bibigyan ng panahon para lisanin ng mapayapa ang nirerentahan.  Kapag lumipas ang panahon ibinigay para lumisan ng mapayapa.  Dadalhin ang usapan sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na may sakop.  Bago pa lang magsampa ng kasong ejectment.