Martes, Agosto 7, 2012

Senior Citizen discounts


Si Mang Ador ay retiradong kawani ng gobyerno.  Dahil sa katandaan marami na siyang mga gamot para sa kanyang high blood, diyabetes and kolesterol.

Lahat ng botika sa bayan ay nagsabi sa kanya na ang oras ng pagbili ng mga senior citizen ay mula ala-una hanggang alas dos ng tanggali lamang at ang pwedeng bilhin ay ang magagamit lang niya sa loob ng isang linggo.

Tanong:
Tama ba ang mga botika?

Sagot:
Hindi.  Walang nakatadhana sa batas ng Senior Citizen na may nakalaang oras silang bumili at wala ring limistasyon sa dami ng bibilhin basta ito ay may prescription ng doctor.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento