Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Lease to own


Si Oliver ay may-ari ng copying machine ay ipinarenta kay Larry sa halagang P4,000 bawat buwan sa loob ng isang taon. Si Larry ay may karapatang bilhin ang copying machine sa katapusan ng taon sa halagang P80,000 na mabayaran ginagamit ang renta kaya sa huli ang babayaran na lang niya ay P32,000.

Hindi nakapagbayad ng renta si Larry sa ika-apat ika-lima at ika-anim na buwan kaya pinutol ni Oliver ang kontra at binawi ang copying machine.  Kinasuhan din niya si Larry para kolektahin ang tatlong buwang rentang hindi nabayaran.

Tanong:
Tama ba ang kasong isinampa ni Oliver?

Sagot:
Ang kaso ay hindi tama.
Ayon sa tuwirang itinadhana ng Article 1485 ng Civil Code, ang naunang article (Article 1484) ay ginagamit para sa mga kontratang mukhang renta ng personal property na may karapatang bilihan noong kinuha ng nagrerenta ang copying machine.  Noong binawi ang copying machine, wala nang kaso na maaaring isampa si Oliver laban kay Larry para bawiin ang mga rentang hindi nabayaran.

Ang sagot ay ayon sa Recto Law (Articles 1484, No. 3 and 1485 ng Civil Code) at and desisyon ng Kataastaasang Hukuman sa U.S. Commercial Co. vs. Halili (93 Phil 371).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento