Sa isang dokumento ng
bentahan ng ari-arian, nakasaad na ang bumibili ay magpapatayo ng komersyal
building sa lote habang ng nagbebenta naman ay gagawa ng isang daanan karatid ng
lote. Ang komersyal building ay natapos
ngunit ang nagbebenta ay nabigong gawin ang daanan dahil sa mga squatter na
kilalang nandon na noong ginawa ang kontrata at tumangging lisanin ang lugar. Sa katunayan, bago ang pagpapatupad, ang
nagbebenta ay nagfile ng kasong ejectment laban sa mga squatter.
Ang bumibili ay nagsampa ng
kaso laban sa nagbebenta ng specific performance at damages. Ang depensa ng nagbebenta ay ang obligasyong
gumawa ng daanan ay dapat sakop ng panahon na hindi pa naitalaga kaya kailangang
magsampa ng kaukulang kaso para italaga ang panahon.
Tanong:
Ang kasong specific
performance na isinampa ng bumibili laban sa nagbebenta ay magtatagumpay?
Sagot:
Hindi, ang kasong specific
performance na isinampa ng bumibili ay premature ayon sa itinatadhana ng
Article 1197 ng Civil Code. Kung ang
panahon ay hindi naitalaga ng mga partido sa kontrata, kailangan nilang
magtalaga ng panahon, kung hindi sila magkakasundo, kailangang magsampa ng kaso
para italaga ng korte ang panahon tulad ng maaring napagkasunduan ng mga
partido sa kontrata. Bago maitalaga ang
panahon ang kasong specific performance ay wala sa tamang panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento