Ibinenta
ni Pablo ang kanyang sasakyan kay Alfonso na nagbigay ng postdated check bilang
kabayaran nito. Bago sa kapanahunan ng
tseke, ibinenta ni Alfonso ang kotse kay Gregorio na ibinenta rink ay Gabriel. Nang ipresenta ng tseke, ang tseke ni Alfonso
ay tumalbog sa kadahilanang isinara na ni Alfonso ang kanyang account sa banko
kahit bago pa man siya nagbigay ng tseke.
Nagsampa
ng kaso si Pablo upang bawiin ang sasakyan kay Gabriel dahil siya ay nawalan ng
sasakyan dahil sa panlilinlang ni Alfonso.
Tanong:
Ang
kaso ba ay magtatagumpay?
Sagot:
Hindi.
Ang kaso ay hindi magtatagumpay dahil si Pablo ay hindi nawalan ng sasakyan
ngunit siya ay nawalan ng bayad sa sasakyan.
Ang kontrata ng bentahan ay nabuo at ang pagbigay sa kotse ay sapat
upang si Alfonso ay magkaroon ng karapatang maging may-ari nito kaya niya
naibenta naman kay Gregorio. Ang Article
559 ay para lamang sa taong may hawak sa kotse na may good faith at hindi ang
tunay na may-ari nito. Si Alfonso ay
naging may-ari kaya si Gabriel ay nagkaroon ng karapatan sa kotse.
Ang
hindi pagkabayad sa bilihan ay hindi hadlang sa paghatid sa kotse.
Ang
obligasyon upang dalhin ang nabiling bagay sa bumibili ay iba sa obligasyon ng
bumibili upang bayaran ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento