Si
Jeana ay may-ari ng isang painting na ninakaw mula sa kanyang bahay. Ang pagnanakaw ay nasumpong sa may
kinauukulan. Makalipas ang isang taon, nakita
ni Jeana ang painting na nakasabit sa opisina ni Elmer. Nang tanungin si Elmer, sinabi niyang nabili
niya ito sa subastahan. Ang painting ay
walang dudang nakilala na siyang ninakaw mula sa bahay ni Jeana.
Mga
tanong:
- Maaari bang mabawi ni Jeana ang painting? Kung mababawi niya, mababawi ba ni Elmer
yong halagang ibinayad niya para dito?
- Halimbawang sa kaibigan ni Elmer niya ito nabili,
mababawi ba ni Jeana ang painting at mababawi ba ni Elmer ang pinambayad
niya para dito?
Mga
sagot:
- Ayon sa Article 559 ng Civil Code, maaaring bawiin
ng may-ari ang painting at hindi maaring bawiin ng nakabili ng nakaw ang
kanyang ibinayad para dito. Sa kaso
ni Jeana at Elmer, mababawi ni Jeana ang painting ngunit hindi mababawi ni
Elmer ang halagang ipinambayad niya para dito.
- Ayon pa rin sa Article 559 ng Civil Code, maaaring
bawiin ng may-ari ng painting at kung ang ito ay nabili sa
subastahan. Sa kaso nila Jeana at
Elmer, mababawi ni Jeana ang painting mula sa may hawak sa kasalukuyan
ngunit mababawi nito ang pinambayad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento