Biyernes, Hunyo 8, 2012

Who is liable?


Si Atong ay may-ari ng pampasaherong jeep na nasangkot sa isang aksidenteng banggaan sa isang truck ng gulay na nagresulta sa pagkamatay ng apat na pasahero at pagkasugat ng tatlo.  Noong naganap ang aksidente, si Atong ay kasal kay Mayyang ngunit nakikisama parang mag-asawa kay Toyang.

Tanong:
Ang mga tagapagmana ba ng mga namatay na pasahero at mga nasugatan ay maaring humingi ng danyos kay: (a) Atong? (b) Mayyang? (c) Toyang?

Sagot:
Kay Atong – Maaring humingi ng danyos ang mga tagapagmana ng mga namatay base sa culpa contractual.  Kung ang mga nasaktan ay mga pasahero din, si Atong ay kailangan magbayad ng danyos ayon sa culpa contractual. Ngunit kung hindi sila mga pasahero, ang basehan ng kanilang paghingi ng danyos ay quasi-delict.

Kay Mayyang – Ayon sa batas at desisyon ng Kataastaasang Hukuman, ang naipundar ng asawang lalaki habang nakikisama sa iba ay maituturing na conjugal property.  Sa kaso ni Atong at Mayyang, silang dalawa ay mananagot sa danyos sa mga pasahero dahil ang pampasaherong jeep ay kanilang conjugal property.

Kay Toyang – Ayon sa batas at desisyon ng Kataastaasang Hukuman, ang naipundar ng asawang lalaki habang nakikisama sa iba ay maituturing na conjugal property ng lalaki at ang kanyang legal na asawa.  Ang kinakasamang babae ay hindi maituturing na co-owner sa mga pagmamamay-aring maipundar nila ng lalaki.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento