Sina
Tito, Vic and Joey ay nagkasundong maging partner sa isang kompanyang ang
pangalan ay “Times Lumber”. Naglaon, si
Tito ay pinahintulutang umalis bilang partner at ang partnership ay
namatay. Subalit, ipinagpatuloy nila Vic
at Joey ang negosyo ng “Times Lumber” na walang pagtutol sa panig ni Tito. Ang pagtiwalag ni Tito sa partnership ay
hindi nalathala sa mga pahayagan.
Tanong:
Maaari
bang managot si Tito sa mga pagkakautang ni Vic at Joey sa negosyo ng “Times
Lumber” kahit siya ay tumiwalag na sa partnership?
Sagot:
Ayon sa
Batas, ang isang partner na tumiwalag sa partnership ay maaaring panagutin sa
pagkakautang ng partnership kung hindi siya tumutol sa pagpapatuloy ng negosyo
at ipagpapatuloy ang paggamit ng pangalan ng kompanya at hindi nalathala sa
pahayagan na may tumiwalag na partner.
Si Tito
ay maaaring panagutin sa mga pagkakautang ng “Times Lumber” kahit siya tumiwalag
na dahil ang akala ng mga nakitransaksyon sa “Times Lumber” na kasama pa rin
siya.
Ngunit
sa kanilang tatlo, si Tito ay hindi na kasama sa partnership kaya anumang
naibayad niya sa mga supplier sa pagkakautang ng “Times Lumber” ay maaari
niyang singilin mula kay Vic at Joey.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento