Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Public Instrument



Sina Daniel and Katerina ay ikakasal pagkatapos ng tatlong buwan.  Samantala, para ipakita ang kanyang pag-ibig, nagdonate si Daniel ng house and lot kay Katerina na nakasaad sa sulat.  Sinagot ni Katerina ang sulat na tinatanggap niya ang donasyon at siya ay tumira na dito.  Ngunit bago dumating ang araw ng kasal, si Katerina ay inatake sa puso aty namatay.

Tanong:
Makukuha ba ng mga kamag-anak ni Katerina ang house and lot na ni-donate ni Daniel sa kanya?

Sagot:
Ayon sa batas, ang donation ay dapat nakasulat at ni-notaryohan.  Dapat nakasulat para mailahad ang sukat ng lupa at mga katabing may-ari nito para mai-rehistro ang paglipat ng pangalan ng bagong may-ari.

Sa kaso nila Daniel at Katerina, nakasulat ang donation pero hindi ito na-notaryohan kaya hindi mai-rehistro ang paglipat sa pangalan ni Katerina.  Dahil hindi mailipat sa pangalan ni Katerina ang house and lot, hindi ito makukuha ng mga kamag-anak ni Katerina.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento