Lunes, Oktubre 22, 2012

Misrepresentation of sexual preference


Si Daniel at si Kathryn ay nagpakasal pagkatapos ni maikling ligawan.  Pangkatapos ng isang buwan, nadiskubre ni Kathryn na si Daniel na nagpakilalang matipunong lalaki ay isang palang bakla.  Ayaw ni Daniel na tumabi sa kama sa kanya.  Si Daniel ay nag-iingat ng mga malalaswang magasin ng mga hubo’t hubad na lalaki at ang mga kasama ay mga magagandang mga lalaki.

Tanong:
Maaari bang ipawalangbisa ni Kathryn ang kasal nila ni Daniel dahil sa pagpapanggap na macho ngunit at totoo pala siya ay bakla?


Sagot:
Ayon sa Article 46 ng Family Code ang pagtatago ng pagka-addict, manginginom, pagkabakla o pagkatomboy ay itinuturing na panlilinlang na sapat na dahilan ng pagwawalang bisa ng kasal.  Sa kaso nila Kathryn at Daniel, dahil ang pagpapanggap ni Daniel na macho ay pagtatago ng pagkabakla, ito ay sapat na dahilan ng pagwawalang bisa ng kanilang kasal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento