Martes, Oktubre 30, 2012

Legal transaction of minors


Henry Canasa asks:

Can you enlighten me on properties sold to a minor with the single mother in the title as " mothers name in trust for son's name " ... what are the limitations of the mother ? Should there be a Trust Agreement ? Who will sign the Trust Agreement if the son is only 1 year old ? When does the son become eligible to own the property ? Is there a legal document needed for the son to take full ownership when it due ?

Sagot:
Ang bilihan ng lupa kung saan ang bibili ay isang menor de edad, siya ay kailangang irepresenta ng “legal guardian.”  Ang kanyang ina ay ang kanyang legal guardian at siya naman ang “ward.”  Ayon sa Family Code of the Philippines, ang magulang ang guardian sa mga anak sa kanilang legal transaction.  Ang pipirma sa Deed of Absolute Sale ay ang guardian para sa kanyang ward. Malinaw na nakasaad sa kontrara na ang ina ang legal guardian na pumapasok sa kontrata para sa kanyang ward.

Halimbawa:

JOHN LLYOD CRUZ, 1 year old
Buyer

Represented by:

BEA ALONZO, biological mother
Legal Guardian

Ang transaction na ito ay sakop ng Statute of Frauds ng Civil Code of the Philippines kung saan ang transaction ay kailangang nakasulat at ang technical description ng lupang binili ay malinaw na nakasaad sa kontrata.  Maliban dito ang dokumento ay kailangan notaryado para puwedeng irehistro sa Register of Deeds.

Ano ang mga tungkulin ng biological mother bilang legal guardian sa kanyang anak na kanyang ward tungkol sa lupa?

Malinaw sa batas na ang may-ari sa lupa ay ang anak.  Ngunit dahil wala pa siya sa wastong gulang para pumasok sa kontrata kaya kailangan niya ng isang legal guardian para sa mga legal transaction na ito.  Dahil ang ward ang may-ari ng lupa, walang karapatan ay nanay na ibenta ang lupa sa pamamagitan ng kanyang pangalan.

Hindi na kailangan ng trust agreement sa pagitan ng mag-ina. Tama na ang pagiging legal guardian at ward.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento