Henry Canasa asks:
Can you enlighten me
on properties sold to a minor with the single mother in the title as "
mothers name in trust for son's name " ... what are the limitations of the
mother ? Should there be a Trust Agreement ? Who will sign the Trust Agreement
if the son is only 1 year old ? When does the son become eligible to own the
property ? Is there a legal document needed for the son to take full ownership
when it due ?
Sagot:
Ang
bilihan ng lupa kung saan ang bibili ay isang menor de edad, siya ay kailangang
irepresenta ng “legal guardian.” Ang
kanyang ina ay ang kanyang legal guardian at siya naman ang “ward.” Ayon sa Family Code of the Philippines, ang
magulang ang guardian sa mga anak sa kanilang legal transaction. Ang pipirma sa Deed of Absolute Sale ay ang
guardian para sa kanyang ward. Malinaw na nakasaad sa kontrara na ang ina ang
legal guardian na pumapasok sa kontrata para sa kanyang ward.
Halimbawa:
JOHN LLYOD CRUZ, 1 year old
Buyer
Represented by:
BEA ALONZO, biological mother
Legal Guardian
Ang
transaction na ito ay sakop ng Statute of Frauds ng Civil Code of the
Philippines kung saan ang transaction ay kailangang nakasulat at ang technical
description ng lupang binili ay malinaw na nakasaad sa kontrata. Maliban dito ang dokumento ay kailangan
notaryado para puwedeng irehistro sa Register of Deeds.
Ano
ang mga tungkulin ng biological mother bilang legal guardian sa kanyang anak na
kanyang ward tungkol sa lupa?
Malinaw
sa batas na ang may-ari sa lupa ay ang anak.
Ngunit dahil wala pa siya sa wastong gulang para pumasok sa kontrata
kaya kailangan niya ng isang legal guardian para sa mga legal transaction na
ito. Dahil ang ward ang may-ari ng lupa,
walang karapatan ay nanay na ibenta ang lupa sa pamamagitan ng kanyang
pangalan.
Hindi
na kailangan ng trust agreement sa pagitan ng mag-ina. Tama na ang pagiging
legal guardian at ward.