Huwebes, Setyembre 27, 2012

Unlawfully deprived


Si Ashi Behati ay nawalan ng diamond ring noong ang sinasakyan niyang bus ay hinoldap ng mga salarin na lumimas sa mga ari-arian ng mga pasahero.  Ang nasabing diamond ring ay naisanla sa Yangdon Pawnshop ng isa sa mga salarin.  Sa pagdaan ng panahon, niremata ng YangdonPawnshop ang diamond ring at isinubasta kay Margaret.

Pagkatapos ng tatlong taon mula ng nawala ang diamond ring, nakita ni Ashi Betati kay Margaret at hinihiling na ibalik ito sa kanya.  Hindi sumang-ayon si Margaret dahil wala siyang kinalaman sa pagkawala nito.

Tanong:
Sino ang may mas karapatan sa diamond ring?

Sagot:
Ayon sa Article 559 ng Civil Code, ang may-ari na nawalan dahil sa illegal na paraan ay maaaring bumawi sa bagay na nawala kahit mula sa bumili na hindi alam na ito ay nakaw.  Subalit dahil ito ay binili sa subastahan kailangan ibalik ni Ashi Behati ang perang pinambili ni Margaret bago niya mababawi ang nasabing diamond ring.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento