Miyerkules, Setyembre 12, 2012

Fortuitous Event


Si Marco ay nagpahiram ng ilang automotive repair equipment kay Miguel na bagong bukas ang sariling talyer.  Ang kontrata ng hiraman ay pinirmahan noong February 15, 2102.  Napag-usapan na sa loob ng isang buwan ibabalik ni Miguel ang kagamitan kay Marco.  Ang nasabing kagamitan ay ibinigay noong February 15, 2012.  Noong March 15, 2012, Si Marco tumawag sa celfon kay Miguel para bawiin na ang kagamitan ng talyer.  Dahil nasira ang truck ni Miguel hindi niya naibalik ang nasabing kagamitan.  Maaga kinabukasan, nasunog ang kagamitan na nagmula sa isang kainan sa tabi ng talyer ni Miguel.  Gustong panagutin ni Marco si Miguel sa halaga ng nasunog na kagamitan sa kadahilanang hindi niya naibalik ang kagamitan sa araw na napag-usapan.

Tanong:
Tama ba si Marco?

Sagot:
Ayon sa batas, kung ang isang bagay ay mawawala dahil sa fortuitous event ang may obligasyon ay mawawalan ng obligasyon.
Sa kaso ni Miguel, nawalan siya ng obligasyon na ibalik ang kagamitan sa talyer dahil aksidente ang apoy na sumira sa kagamitan.  Isa pa hindi pa siya sumala sa panahon na ibalik ang kagamitan dahil ang isang buwan ay tatlumpong araw.  Noong aksidenting nasunog ang kagamitan ay pang dalawamput siyam na araw pa lang ng kontrata dahil ang buwan ng February ay may dalawamput walang araw lamang.

This article also appears at:
http://www.placesure.com/groups/general-public/forums/topic/fortuitous-event/#post-378

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento