Huwebes, Setyembre 13, 2012

Emancipation through Marriage



Si Jao, 19 taon gulang at may-asawa at gustong gawin ang mga sumusunod: (a) ipahiram ang kanyang pera na may interest, (b) i-donate ang kanyang lupa sa kanyang sanggol na anak, (c) ibenta ang kanyang kotse at (d) ihabla ang kanyang kapitbahay dahil sa pinsala.  Ang lupa, kuwarta at kotse ay pag-aari ni Jao na napasa kanya sa pamamagitan ng kanyang sariling kita.  Hindi siya tiyak kung may kakayanan na siyang gawin ang mga ito na walang pahintulot at tulong mula sa kanyang ama.

Tanong:
May kakayanan ba si Jao na gawin ang mga ito?

Sagot:
Sa ilalim ng Civil Code ang age of majority ay 25 taong gulang at maging emancipated dahil sa pag-aasawa.  Ang taong emancipated dahil sa pagpapakasal ay walang kakayanang manghiram ng kuwarta, ibenta o isanla ang kanyang lupa na walang pahintulot ang kanyang magulang.  Wala rin siyang kakayanan para maghabla na walang tulong ang kanyang magulang.
Sa ilalim ng Family Code, ang age of majority ay 18 taong gulang kung saan meron nang legal na kakayanan ang taong gumawa ng mga legal na bagay kasama ang pagpapakasal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento