Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Discounts for Persons with Disabilities


Discount for Persons with Disabilities

Si Daniel ay napatunayan ng mga doctor na isang autistic.  Siya ay binigyan ng Local na Pamahalaan ng Bayan ng isang discount card bilang kasapi sa mga Persons with Disabilities.  Ginagamit niya ito kapag bumibili ng pagkain at gamot, kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan kasama ang kanyang yaya.

Ang mga autistic ay mapili sa pagkain sa kaso ni Daniel palaging chicken McDo lang ang gustong kainin.  Dalawang order palagi ang kanyang ino-order nito sa agahan, tanghalian at hapunan.  Sinubukan ng nanay niyang gamitin ang kanyang discount card.  Sinabi ng McDonald na isang order lang daw ang may discount at ang pangalawa ay wala ng discount.

Tanong:
Tama ba ang McDonald?

Sagot:
Hindi.  Ayon sa batas, lahat ng kunsumo sa pagkain ng isang autistic, kasapi sa mga Persons with Disabilities ay dapat bigyan ng 20% discount.  Sa kaso ni Daniel, kayang kaya naman niyang ubusin ang dalawang order ng Chicken McDo kaya dapat mayroon siyang 20% discount dito.

Martes, Hulyo 10, 2012

Transfer of ownership


Ibinenta ni Pablo ang kanyang sasakyan kay Alfonso na nagbigay ng postdated check bilang kabayaran nito.  Bago sa kapanahunan ng tseke, ibinenta ni Alfonso ang kotse kay Gregorio na ibinenta rink ay Gabriel.  Nang ipresenta ng tseke, ang tseke ni Alfonso ay tumalbog sa kadahilanang isinara na ni Alfonso ang kanyang account sa banko kahit bago pa man siya nagbigay ng tseke.

Nagsampa ng kaso si Pablo upang bawiin ang sasakyan kay Gabriel dahil siya ay nawalan ng sasakyan dahil sa panlilinlang ni Alfonso.

Tanong:
Ang kaso ba ay magtatagumpay?
                                                                                     
Sagot: 
Hindi. Ang kaso ay hindi magtatagumpay dahil si Pablo ay hindi nawalan ng sasakyan ngunit siya ay nawalan ng bayad sa sasakyan.  Ang kontrata ng bentahan ay nabuo at ang pagbigay sa kotse ay sapat upang si Alfonso ay magkaroon ng karapatang maging may-ari nito kaya niya naibenta naman kay Gregorio.  Ang Article 559 ay para lamang sa taong may hawak sa kotse na may good faith at hindi ang tunay na may-ari nito.  Si Alfonso ay naging may-ari kaya si Gabriel ay nagkaroon ng karapatan sa kotse.

Ang hindi pagkabayad sa bilihan ay hindi hadlang sa paghatid sa kotse.

Ang obligasyon upang dalhin ang nabiling bagay sa bumibili ay iba sa obligasyon ng bumibili upang bayaran ito.

Specific performance


Sa isang dokumento ng bentahan ng ari-arian, nakasaad na ang bumibili ay magpapatayo ng komersyal building sa lote habang ng nagbebenta naman ay gagawa ng isang daanan karatid ng lote.  Ang komersyal building ay natapos ngunit ang nagbebenta ay nabigong gawin ang daanan dahil sa mga squatter na kilalang nandon na noong ginawa ang kontrata at tumangging lisanin ang lugar.  Sa katunayan, bago ang pagpapatupad, ang nagbebenta ay nagfile ng kasong ejectment laban sa mga squatter.
Ang bumibili ay nagsampa ng kaso laban sa nagbebenta ng specific performance at damages.  Ang depensa ng nagbebenta ay ang obligasyong gumawa ng daanan ay dapat sakop ng panahon na hindi pa naitalaga kaya kailangang magsampa ng kaukulang kaso para italaga ang panahon.

Tanong:
Ang kasong specific performance na isinampa ng bumibili laban sa nagbebenta ay magtatagumpay?

Sagot:
Hindi, ang kasong specific performance na isinampa ng bumibili ay premature ayon sa itinatadhana ng Article 1197 ng Civil Code.  Kung ang panahon ay hindi naitalaga ng mga partido sa kontrata, kailangan nilang magtalaga ng panahon, kung hindi sila magkakasundo, kailangang magsampa ng kaso para italaga ng korte ang panahon tulad ng maaring napagkasunduan ng mga partido sa kontrata.  Bago maitalaga ang panahon ang kasong specific performance ay wala sa tamang panahon.

Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Lease to own


Si Oliver ay may-ari ng copying machine ay ipinarenta kay Larry sa halagang P4,000 bawat buwan sa loob ng isang taon. Si Larry ay may karapatang bilhin ang copying machine sa katapusan ng taon sa halagang P80,000 na mabayaran ginagamit ang renta kaya sa huli ang babayaran na lang niya ay P32,000.

Hindi nakapagbayad ng renta si Larry sa ika-apat ika-lima at ika-anim na buwan kaya pinutol ni Oliver ang kontra at binawi ang copying machine.  Kinasuhan din niya si Larry para kolektahin ang tatlong buwang rentang hindi nabayaran.

Tanong:
Tama ba ang kasong isinampa ni Oliver?

Sagot:
Ang kaso ay hindi tama.
Ayon sa tuwirang itinadhana ng Article 1485 ng Civil Code, ang naunang article (Article 1484) ay ginagamit para sa mga kontratang mukhang renta ng personal property na may karapatang bilihan noong kinuha ng nagrerenta ang copying machine.  Noong binawi ang copying machine, wala nang kaso na maaaring isampa si Oliver laban kay Larry para bawiin ang mga rentang hindi nabayaran.

Ang sagot ay ayon sa Recto Law (Articles 1484, No. 3 and 1485 ng Civil Code) at and desisyon ng Kataastaasang Hukuman sa U.S. Commercial Co. vs. Halili (93 Phil 371).