Huwebes, Hunyo 21, 2012

Recovery of stolen item


Si Jeana ay may-ari ng isang painting na ninakaw mula sa kanyang bahay.  Ang pagnanakaw ay nasumpong sa may kinauukulan.  Makalipas ang isang taon, nakita ni Jeana ang painting na nakasabit sa opisina ni Elmer.  Nang tanungin si Elmer, sinabi niyang nabili niya ito sa subastahan.  Ang painting ay walang dudang nakilala na siyang ninakaw mula sa bahay ni Jeana.

Mga tanong:
  1. Maaari bang mabawi ni Jeana ang painting?  Kung mababawi niya, mababawi ba ni Elmer yong halagang ibinayad niya para dito?
  2. Halimbawang sa kaibigan ni Elmer niya ito nabili, mababawi ba ni Jeana ang painting at mababawi ba ni Elmer ang pinambayad niya para dito?
Mga sagot:
  1. Ayon sa Article 559 ng Civil Code, maaaring bawiin ng may-ari ang painting at hindi maaring bawiin ng nakabili ng nakaw ang kanyang ibinayad para dito.  Sa kaso ni Jeana at Elmer, mababawi ni Jeana ang painting ngunit hindi mababawi ni Elmer ang halagang ipinambayad niya para dito.

  1. Ayon pa rin sa Article 559 ng Civil Code, maaaring bawiin ng may-ari ng painting at kung ang ito ay nabili sa subastahan.  Sa kaso nila Jeana at Elmer, mababawi ni Jeana ang painting mula sa may hawak sa kasalukuyan ngunit mababawi nito ang pinambayad.

Biyernes, Hunyo 8, 2012

Who is liable?


Si Atong ay may-ari ng pampasaherong jeep na nasangkot sa isang aksidenteng banggaan sa isang truck ng gulay na nagresulta sa pagkamatay ng apat na pasahero at pagkasugat ng tatlo.  Noong naganap ang aksidente, si Atong ay kasal kay Mayyang ngunit nakikisama parang mag-asawa kay Toyang.

Tanong:
Ang mga tagapagmana ba ng mga namatay na pasahero at mga nasugatan ay maaring humingi ng danyos kay: (a) Atong? (b) Mayyang? (c) Toyang?

Sagot:
Kay Atong – Maaring humingi ng danyos ang mga tagapagmana ng mga namatay base sa culpa contractual.  Kung ang mga nasaktan ay mga pasahero din, si Atong ay kailangan magbayad ng danyos ayon sa culpa contractual. Ngunit kung hindi sila mga pasahero, ang basehan ng kanilang paghingi ng danyos ay quasi-delict.

Kay Mayyang – Ayon sa batas at desisyon ng Kataastaasang Hukuman, ang naipundar ng asawang lalaki habang nakikisama sa iba ay maituturing na conjugal property.  Sa kaso ni Atong at Mayyang, silang dalawa ay mananagot sa danyos sa mga pasahero dahil ang pampasaherong jeep ay kanilang conjugal property.

Kay Toyang – Ayon sa batas at desisyon ng Kataastaasang Hukuman, ang naipundar ng asawang lalaki habang nakikisama sa iba ay maituturing na conjugal property ng lalaki at ang kanyang legal na asawa.  Ang kinakasamang babae ay hindi maituturing na co-owner sa mga pagmamamay-aring maipundar nila ng lalaki.

Linggo, Hunyo 3, 2012

Partnership


Sina Tito, Vic and Joey ay nagkasundong maging partner sa isang kompanyang ang pangalan ay “Times Lumber”.  Naglaon, si Tito ay pinahintulutang umalis bilang partner at ang partnership ay namatay.  Subalit, ipinagpatuloy nila Vic at Joey ang negosyo ng “Times Lumber” na walang pagtutol sa panig ni Tito.  Ang pagtiwalag ni Tito sa partnership ay hindi nalathala sa mga pahayagan.

Tanong:
Maaari bang managot si Tito sa mga pagkakautang ni Vic at Joey sa negosyo ng “Times Lumber” kahit siya ay tumiwalag na sa partnership?

Sagot:
Ayon sa Batas, ang isang partner na tumiwalag sa partnership ay maaaring panagutin sa pagkakautang ng partnership kung hindi siya tumutol sa pagpapatuloy ng negosyo at ipagpapatuloy ang paggamit ng pangalan ng kompanya at hindi nalathala sa pahayagan na may tumiwalag na partner.

Si Tito ay maaaring panagutin sa mga pagkakautang ng “Times Lumber” kahit siya tumiwalag na dahil ang akala ng mga nakitransaksyon sa “Times Lumber” na kasama pa rin siya.

Ngunit sa kanilang tatlo, si Tito ay hindi na kasama sa partnership kaya anumang naibayad niya sa mga supplier sa pagkakautang ng “Times Lumber” ay maaari niyang singilin mula kay Vic at Joey.