Ang mag
asawang Mang Felimon at Aling Marta ay nagkaroon ng sampu anak sa kanilang
pagsasama bilang mag asawa noong sila’y nabubuhay pa, limang babae at limang
lalake at may pag aari sila mag asawa ng lupa na pang sakahan na may kabuang
sukat na humigit kumulang 1.5 ektarya noong sila ay nabubuhay pa.
Si
Aling Marta ay namatay noong 1996 Samantalang si Mang Felimon ay namatay noong
2011 lamang at naiwan sa mga anak nila ang lupa na 1.5 ektarya na pang sakahan.
Si Mang
Casio ay nakababatang kapatid ni Mang Felimon na bumili ng lupa na pang sakahan
kay Mang Felimon.
Si Mang
Felimon ay hindi pumirma sa Deed of Sale at ang mga anak niya apat na
magkakapatid ay hindi rin pumirma sa Deed of Sale at mga pumirma sa Deed of
Sale ay pinuntahan isa isa ni Mang Casio upang papirmahin sa Deed of Sale pero
hindi sila humarap sa notaryo publiko.
1)
Noong
2002 si Mang Felimon ay isinananla ang kanyang lupa pang sakahan na may sukat
na humigit kumulang na 1.5 na ektarya na lupang pang sakahan sa local o
pribadong nagpapautang sa halagang limang daang libong piso lamang
(Php500,000.00)
2)
Sa mga
huling buwan ng taon na iyon pinuntahan ni Mang Casio si Mang Felimon at nag
alok ng tulong upang tubusin ang kanyang titulo ng lupa para maka tipid sa
pagbabayad ng interest kaysa sa kanyang inasahang dapat babayaran kung
patatagalin pa ang pagbabayad.
3)
Dahil
sa interes pa lamang ay hirap ng mabayaran hindi pa kasama dito ang principal
na interes sa utang tinangap ni Mang Felimon ang inialok na tulong ng kanyang
kapatid na si Mang Casio at tinubos ang titulo ng lupa sa pinag sanlaan ni Mang
Felimon.
4)
Sa mga
nakalipas na mga araw bumalik si Mang Casio kay Mang Felimon at nag alok na
bibilhin niya ang lupa sa ngalan ng kanyang anak na si Rosie na nagtatrabaho sa
bansang Japan. Una, nag alok ng halagang
Php 800,000 pero ibabawas sa Php 500,000 na unang ibinayad niya sa pinagka
utangan ni mang Felimon. Sinabi ni Mang
Casio na ang perang ibinayad noong una na pinagtubos ng titulo ng lupa ay
galing sa kanyang anak na si Rosie na nagtatrabaho sa Japan, ang natitira pa
mga perang pambabayad sa lupa ay kay Rosie pa rin. Tumangi si Mang Felimon sa inialok ni Mang
Casio.
5)
Mga
ilang lingo ang nakalipas bumalik ulit si Mang Casio at itinaas sa halagang
isang milyon Php 1,000,000.00 ang kanyang alok, muli tumangi si Mang Felimon. Nag pupumilit si Mang Casio halos lagi na sa
pamamahay ni Mang Felimon na walang
pakundangang pinipilit niya tungkol sa bilihan ng lupa. Ang sinabi niya na ang anak niyang si Rosie ay
gustong mag invest para sa lupa, kung
hindi ibebenta sa kanila ang nasabing lupain mapipilitan silang ibenta sa iba
pero sisingilin ang halagang Php 500,000 upang gagamitin sa pa unang bayad sa
bibilhin nilang ibang lupain.
6)
Nalagay
sa kagipitan at alanganin si Mang Felimon at iniisip ang halagang Php 500,000
kung pipilitan siyang magbayad kung saan niya kukunin o hahanapin ang halaga ng
pera na kanyang ibabayad, kung isasanla naman ulit ang lupa ay masyadong malaki
sa interes pa lamang ,hangang napilitan at pumayag sa pag pupumilit ni Mang
Casio sa walang tigil niyang pakikipag usap kay Mang Felimon ay pumayag din
pero sa kondisyon na ang 1,875 sq mtrs ay napagkasunduang hihiwalay at matitira
para kay Mang Felimon sa kabuang sukat ng lupain.
7)
Ang
sinabi ni Mang Casio ay isasanguni muna niya sa anak niyang si Rosie na nasa
Japan.
8)
Sumunod
na mga araw si Mang Casio ay bumalik at sinabi pumapayag si Rosie sa kundisyon
na napag kasunduan na matitira ang 1,875 sq. m. at naka handa na silang
magbabayad para sa kaganapan nagkahalaga ng Php 500,000.
9)
Lima sa
sampung anak ni Mang Felimon ay pumapayag sa kondisyon na hiwalay ang 1,875 sq
m o sinabi nila kay Mang Casio hihingin muna nila ang kapahintulutan ng mga
apat na pa mga kapatid.
10)
Ang
sinabi ni Mang Casio ay siya na ang kakausap sa apat na magkakapatid . Lumipas ang mga araw kinausap ni Mang Casio ang pinaka bunso sa sampo magkakapatid kasama si Mang Felimon sa bahay
nila sinabi ni Mang Casio na handa na niya ihiwalay ang sukat na 1,875 sq m
pagkatapos ng anihan sa panahon na iyon na isang buwan na lamang ang hihintayin
ay anihan na sa nakatanim na palay.
11)
Sumunod
na mga araw lingid sa kaalaman ng mga magkakapatid bumalik si Mang Casio Kay
Mang Felimon para hiramin ang titulo ng lupa upang ipa photo copy daw para
maipakita daw niya sa anak niyang si Rosie na nasa Japan, dahil sa pagtitiwala
ni Mang Felimon, dahil kapatid niya si Mang Casio ipinahiram niya ang titulo ng
lupa pero hindi na ibinalik muli ni Mang Casio.
12)
Lumipas
ang mga araw, pagkatapos hiramin ni Mang Casio ang titulo ng lupa ay binayaran
ng halagang Php 500,000 bilang kaganapan sa paunang Php 500,00.00 si Mang
Felimon ang bayaran ay ginawa sa harapan at nasaksihan ng isa sa mga sampung
magkakapatid.
13)
Sumunod
na mga araw pinuntuhan ng bawat isa ni Mang Casio para papirmahin sa Deed
of Sale ang anim sa mga sampung magkakapatid sa pagtitiwala ay pumirma dahil sa
kaalaman nila, ayon sa verbal na kasunduan na may natitirang 1,875. Iyan ay hindi hiningi kundi pinag kasunduan.
14)
Pero
hindi tumupad sa napag kasunduan si Mang Casio.
15)
Apat sa
sampung magkakapatid ay hindi pumirma sa Deed of Sale. Sa katunayan ang isa sa sampu magkakapatid ay
wala man pangalan sa pinapapirmang Deed of Sale. At ang dalawa sa sampung magkakapatid ay hindi
pinuntahan ni Mang Casio para papirmahin sa nasabing Deed of Sale.
16)
Lumipas
ang mga ilang araw pa ulit ulit na pinupuntahan ni Mang Casio sa pamamahay ang
hindi pumirma sa nasabing Deed of Sale. Patuloy at mariing tumanggi pumirma ang
apat sa mga magkakapatid sa dahilang hindi tumupad sa kasunduan si Mang Casio.
17)
Si Mang
Felimon kinukulit ni Mang Casio na pinapapirma rin ang Deed of Sale pero
patuloy siya tumanging pumirma dahil hindi pagsunod sa usapan o kasunduan si
Mang Casio na hihiwalay ang sukat na
1,875 sq m.
18)
Isang araw pumunta ang
bunsong anak ni Mang Felimon sa Assesor sa Munisipyo sa kanilang bayan upang
magbayad ng buwis pero hindi na tinggap ng Assessor ang ibibayad dahil
nakalipat na sa bagong pangalan ang titulo pag mamay ari ni Mang Felimon.
19)
Kinuha ng bunsong anak
ni Mang Felimon TCT number ng bagong titulo at nag beripika sa RD at natuklasan
na ang orihinal na tutulo na naka pangalan kay Mang Felimon ay malinis at hindi
na kansela.
20)
Bumalik sa Assesor sa
Munisipyo sa kanilang bayan ang bunso anak ni Mang Felimon upang bayaran ang
buwis ngunit tumanggi ang assessor at pinipilit na na kansela na ang titulo
naka pangalan kay Mang Felimon pero sa totoo hindi na kansela sa RD. Korte lamang daw ang maka pag bigay ng hatol
para malaman kung na kansela o hindi ang titulo ni Mang Felimon.
Mga tanong at mga sagot:
1.
Kinikilala
ba ng batas ang Deed of Sale na hindi notaryado at hindi humarap sa notary
publiko ang mga pumirma mga saksi sa Deed of Sale?
Sagot:
Ang Deed of Sale an hindi notaryado ay
kontrata sa pagitan ng Seller at Buyer.
Ang kontrata ay batas sa pagitan ng mga partido ng bentahan. Ang pagpapa notaryo ay para ang dokumento ay
maging public instrument. Kapag ang
dokumento ay naging public instrument na, ito ay binding kahit sa third
persons.
Ang hindi pagharap ng mga partido at mga
witness sa Deed of Sale sa Notario Publico ay paglabag sa Notarial Law. Ang kaparusahan sa paglabag sa Notarial Law
ay pagtanggal sa lisensya ng abogado.
2.
Kung
ang titulo ng lupa na pang sakahan ay EP puwede ba ibenta ni Mang Felimon sa
anak ni Mang Casio na si Rosie?
Sagot:
Ang emancipation patent (EP) ay hindi
puwedeng ibenta ni Mang Felimon kay Rosie kung wala pang sampung taon mula ng
ibigay ng gobyerno kay Mang Felimon ang emancipation patent.
3.
Papaano
kaya nailipat sa pangalan ni Rosie ang titulo ng lupa samantalang walang pirma
si Mang Felimon at apat pa mga anak at hindi notaryado ang Deed of Sale at
Hindi naman na kansela ng RD ang titulo naka pangalan kay Mang Felimon?
Sagot:
Kung nasa pangalan pa ni Mang Felimon
ang titulo ng 1.5 hectates na sakahan, ibig sabihin ay ang nailipat kay Rosie
ay Tax Declaration pa lamang. Maaari
nating hulaan na pinalabas ni Rosie sa Deed of Sale na pumirma si Mang Felimon
at ang kanyang sampung anak. Maaari din
nating sabihin na hindi baka hindi nasunod ng Notario Publico ang kanyang
tungkulin sa pagnotaryo sa Deed of Sale.
Pero kung sinusunod ng Municipal Assessor ang batas sa paglilipat ng
pangalan sa Tax Declaration, hahanapin niya iyong Certificate of Authority to
Register na galing sa BIR at iyong Certificate of Registration na galing sa
Register of Deeds.
4.
Si
Aling Marta ay namatay noong 1996 at nagkaroon ng bilihan ng lupa ay 2002 sa
makatwid kung sa partihan ng lupa sa kalahati sa kabuang sukat ng lupa sa
pamagitan ng Extra Judicial Settlement tama bang partihan ang sampo mgkakapatid
sa parte ni Aling Marta at may parte ba si Mang Felimon sa parte ni Aling
Marta? Sa makatwid pang labing isa sa partihan si Mang Felimon sa sampo
magkakapatid?
Sagot:
Noong namatay si Aling Marta noong 1996,
dapat gumawa ng Extrajudicial Settlement of Estate ang kanyang mga herederong
sina Mang Felimon at ang kanyang sampung anak.
Si Mang Felimon ay may-ari ng kalahati bilang conjugal share at may pang
labin-isang parte doon sa kalahati ng yumaong si Aling Marta. Samakatuwid si Mang Felimon ay may-ari ng 8,181.82
square meters at ang sampung ay may-ari ng 681.82 square meters bawat isa.
5.
Ang
anim sa sampung magkakapatid na pumirma sa Deed of Sale kapalit ng halagang
Isang Milyong Piso P1,000,000.00 kabayaran ng lupa ay naibenta na kay Rosie
kung kikilanin ng batas ang Deed of Sale na hindi notaryado?
Sagot:
Malinaw na sa Tax Declaration sa
pangalan ni Rosie na buong 1.5 hectares ang inilipat ng Municipal Assessor sa
pangalan niya. Ito ang dahilan siguro
kung bakit ayaw tanggapin ng Municipal Assessor ang bayad ng anak ni Mang
Felimon na bayad sa buwis. At saka
ipipagpipilitang ng Municipal Assessor na kanselahin ang titulo sa pangalan ni
Mang Felimon.
Kung Deed of Sale ang ipina-pirma sa
anim na anak ni Mang Felimon at Aling Marta, hindi ito maililipat ang Tax
Declaration sa pangalan ni Rosie dahil walang pa silang kapatang magbenta dahil
ang lupa ay nakatitulo pa kay Mang Felimon at wala pa sa kanilang pangalan.
Ang kalahati ni Aling Marta ay hindi
maibenta ng kanyang mga anak hanggat walang Extrajudicial Settlement of Estate
na ginawa para sa iniwang kayamanan ni Aling Marta.
6.
Si Mang
Felimon ay namatay noong 2011 na hindi pumirma sa Deed of Sale ay buo pa ang
share sa natitira kalahati sa kabuuan ng lupa ng sampung mga nabubuhay na mga
anak.
Sagot:
Hindi batid ng karamihang na ang mga
heredero ay may obligasyong abisuhan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa
loob ng dalawang buwan mula sa pagkamatay ng yumao. Lalong hindi batid ang obligasyon ng mga
heredero na i-settle ang estate ng yumao o ilipat ang mga titulo ng mga lupa
mula sa patay papunta sa mga buhay.
Dahil ang titulo ay nasa pangalan ng
Mang Felimon noong siya ay namatay noong 2011, ibig sabihin ang titulo ay para
pa rin sa buong 1.5 hectares.
Ang gagawing Extrajudicial Settlement of
Estate ay para kay Aling Marta na namatay noong 1996 at para kay Mang Felimon
na namatay noong 2011.
Hanggat walang Extrajudicial Settlement
of Estate para kay Aling Marta at Mang Felimon walang sinuman ang maaaring
makinabang sa sakahang iniwan nila.
Lahat ng dokumentong nagawa para dito ay walang bisa dahil sa kawalan ng
karapatan nino man na ilipat ang pagmamamay-ari sa alin mang bahagi ng nasabing
lupain.
7.
Base sa
kuwento kaya nagkaroon ng problema sa usapin ng dahil sa hindi pagtupad ni Mang
Casio sa kasunduan na may matitira 1,875 sq mtrs. Kaya hindi pumirma si Mang Felimon hangang
sumakabilang buhay pati apat niyang mga anak sa sampung magkakapatid. Sa mga pangyayari tama ba ang partition sa
lupa? Lumilitaw ang naibenta ng mga 6 na magkakapatid ay ang parte lamang sa
nanay nila at buo pa ang parte nila sa kanilang tatay?
Sagot:
Ayon sa ipinakitang hatian sa Tanong 4,
ang parte ni Mang Felimon ay 8,181.82 square meters at 681.82 square meters
bawat isa sa sampung anak.
Kung nasunod ang tamang hatian at tamang
proseso ng paglilipat ng pangalan sa lupain, ang parteng nabili ni Rosie ay
4,090.91 square meters lang mula sa anim (6 anak x 681.82 bawat isa) na pumirma
sa Deed of Sale.
Nais nating igiit na noong pinirmahan ng
anim na anak ni Mang Felimon ang Deed of Sale, wala pa silang karapatang
magbenta ng kahit anong bahagi ng lupa dahil kahit namatay na si Aling Marta
hindi automatikong lilipat ang mga mana sa mga anak at tagapagmana. Para mailipat ang naiwang kayamanan ng yumao,
ang mga tagapagmana ay kailangan gumawa ng Extrajudicial Settlement of Estate.
8.
May
nakikita ako aral dito sa kuwento ang panloloko ay hindi magbubunga ng mabuti.
Bumaligtad sa kasunduan si Mang Casio at nagkainterest sa kabuan na sukat ng
lupa kaya hindi ibinigay ang 1,875 sq mtrs. Dito nagsimula ang kanilang gusot.
Kung tama ang partition ang matitira na lang kay Mang Casio ay ang share sa
nanay na ibinenta ng anim na magkakapatid, tama ba?
Sagot:
Tulad ng sagot sa Tanong 7, kung nasunod
ang lahat ng proseso, ang nabili ni Rosie ay 4,090.91 square meters lamang. Ito lamang ang parte ng mga anak ni Mang
Felimon na pumirma sa Deed of Sale.
9.
Sa
aking obserbasyon tila nagkaroon ng sabwatan ang RD at si Rosie na anak ni Mang
Casio? Baka gumawa ng peke Deed of Sale pero papaano kaya sa BIR? Hindi ma
rerehistro sa RD ang paglilipat ng titulo kung wala ang CAR.
Sagot:
Tulad ng sagot sa Tanong 3 at Tanong 6,
dahil nasa pangalan pa ni Mang Felimon ang titulo ng lupa, ang nailipat lang
kay Rosie ay Tax Declaration lamang. Ang
hinala ko, hindi tinupad ng Municipal Assessor ang batas sa pagbibigay ng Tax
Declaration. Malamang na ang
palsipikadong Deed of Sale lamang ang pinagbasehan ng Municipal Assessor para
magbigay ng Tax Declaration kay Rosie hindi na niya hinanap ang Certificate of
Authority to Register na galing sa BIR at Certificate of Registration naman ng
bigay ng Register of Deeds.
10.
Simula
noong 2002 ang nagsasaka sa lupa ay si Mang Casio.
Kumentaryo:
Ang pagsasaka ni Mang Casio sa lupain sa
maling paniniwalang nabili na nila lupain ay hindi maging dahilan na maging
sila na ang may-ari sa lupa.
Kung magmamatigas si Mang Casio,
kailangan nang kumuha ng abogado ang mga anak ni Mang Felimon na hindi pumirma
sa Deed of Sale para mabawi ang possession at pagmamamay-ari sa kanilang
lupain.
Sana
malinawagan mo ako sa masalimuot na kuwento na ito para sa aking karagdagang
kaalaman.
Ang mga sagot dito ay ayon sa
pagkaintindi ko sa tanong at marahil may mga detalya na hindi nabigay sa
kuwento na makakatulong sa tumpak na solusyon sa problema.