Si Richard ay isang foreigner na naging kaibigan
ni Rene dahil magka relihiyon sila. Dahil sa nakikita ng foreigner na si Rene
ay nag aalaga ng baka at bina buy and sell dahil dito nagka interes din ang
foreigner na bumili ng baka at ipinagkatiwala sa ilalim na pangangalaga ni Rene
at napagkasunduan na maghahati sa kikitain sa
bawat na ibebentang baka.
Para magkaroon ng malawak na pastulan at kural ng
mga baka bumili sa sariling pera ang foreigner ng 5,200 sq. mtr. Agri lot at
ipinangalan ang TCT sa kanilang dalawa ni Rene.
Lumipas ang mga taon ang napagkasunduan hatian sa
tutubuin ay hindi na natutupad ni Rene dahil dito napagkasunduan na ibenta na
lamang ang nabili lupa.
Una inialok ng foreigner na ibenta ang lupa
pangsakahan kay Rene subalit walang kapasidad na bilhin dahil sa kakulangan ng
pera pambili. Ilang taon ang lumipas hindi naibenta ang lupain dahil walang
nagka interes na bumibili.
Dahil walang bumili sa lupa nagpasya ang foreigner
na donate na lamang ang nasabing lupain sa matagal niyang kaibigan at trustee
na si Ruben pumayag naman si Rene.
Si Ruben ay matagal nanilbihan sa foreigner noong
nanirahan ang huli sa bansa subali’t si Ruben ay nagkasakit at ipinakiusap sa
foreigner na idonate na lamang ang lupain sa anak niyang bunso lalake na may edad na 19 yrs old,
pumayag naman ang foreigner at Rene.
Tanong:
1.
Ano ang unang hakbang na gagawin nina
Rene, anak ni Ruben at foreigner para mailipat sa pangalan ang titulo pabor sa
anak ni Ruben?
2.
Sa kasalukuyan ang foreigner ay nasa
ibang bansa pero may SPA na ginawa noong huling bumalik ng bansa para kay Ruben
kabilang na nakasaad sa SPA na puwede ibenta ni Rene ang lupain sa ngalan ng
principal pero hindi nakasaad ang donasyon.
3.
Pabalik sa bansa ang foreigner ano
mang araw at buwan sa susunod na taon pa, hihintayin na lamang bumalik para
pumirma sa dokumento para sa paglilipat sa pangalan ng anak ni Ruben?
Mga sagot:
- Kailangan pumirma sina Richard and Ruben ng Deed of Donation para sa anak ni Ruben. Ang Deed of Donation ay dapat notaryado. Dapat dalhin ang nasabing Deed of Donation sa Bureau of Internal Revenue para mabayaran ang Donor’s Tax at para mabigyan ang anak ni Ruben ng Certificate of Authority to Register.
- Ang Special
Power of Attorney para magbenta ng lupain ay hindi sakop ang pagdonate ng
nasabing lupain. Sa pagbebenta
merong perang tatanggapin ang may-ari na halaga ng napagbentahan subalit
sa pagdonate walang perang matatanggap ang may-ari.
- Kahit
hindi hintayin ang pagdating ni Richard sa bansa para i-donate nila ni
Ruben sa anak ni Rene. Dahil sa
makabagong paraan ng pakipag-ugnayan, maaaring ipadala sa pamamagitan ng
email ang Deed of Donation para pirmahan ni Richard at doon ipanotaryo sa
kanyang bansa. Para kilalanin ang dokumento sa Pilipinas, kailangang
ipa-authenticate ito sa Embahada ng Pilipinas doon sa bansa niya. Ang pirmado, notaryado at authenticated
Deed of Donation ay maaari ng i-registro sa Register of Deeds pagkatapos
mabayaran ang donors tax sa Bureau of Internal Revenue.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento